Dependent sa Pilipinas: mga dokumento at remittance na kailangan

Ang gabay na ito ay para maintindihan ang tamang pagdeklara ng dependent na hindi natin kasamang naninirahan sa Japan (nasa Pilipinas) at kung anu-anong dokumento ang kailangan para patunayan natin ito sa Tax Office.

(Para sa dependent na kasamang naninirahan sa Japan ay hindi na kailangan ang pagbibigay ng mga dokumento na kagaya ng marriage/birth certificate o remittance statement.)

Shortcut: I-click ang link sa ibaba para makita ang requirement para sa bawat isang dependent.

:information_source: This wiki page may be edited by any logged-in user.

Ano ang ‘dependent’?

Ang dependent (扶養家族 fuyō kazoku)ay isang kapamilya na binibigyan ng pinansyal na suporta. Karamihan dito ay asawa at anak, o mga magulang at kapatid kung wala tayong asawa. Maari ding lolo at lola, magulang ng ating asawa, asawa ng ating anak o mga apo.


Declaration of Dependents for Tax Deduction Form

Ang relasyon sa dependent ay maaring patunayan sa pamamagitang ng pagpasa ng marriage certificate para sa asawa, o birth certificate para iba pang dependent.

Ang isang live-in partner na hindi tayo kasal ay hindi maaring ideklarang dependent dahil wala tayong maipakitang marriage certificate, kahit na pinapadalhan natin ito ng pera.


Iba’-ibang dependent at kailangang dokumento

Asawa

Kailangang dokumento:

  • Marriage certificate
  • Remittance statement

Ang asawa na hindi nagtatrabaho o hindi kumikita ng mahigit sa ¥1,400,000 sa isang taon ay maaring ideklara bilang dependent. Kailangang magpasa ng marriage certificate at remittance statement mula sa remittance company para patunayan na pinapadalhan natin ito.

Kung ilang beses at kung magkano ang kailangang ipadala sa isang taon ay hindi nakasaad sa gabay ng Tax Office, pero mainam na magpadala nang regular at sa halaga na maniniwala ang Tax Office na talagang sinusuportahan natin ito.

Anak

A. 0-15 taong gulang

Kailangang dokumento:

  • Birth certificate ng anak

Sa karamihan ng sitwasyon, ang ating dependent na 0 hanggang 15 taong gulang ay ating anak. Kailangan magpasa ng birth certificate ng anak para patunayan natin ito.

Hindi na kailangan ng remittance statement sa kanilang pangalan (malamang ay hindi pa ito makapagbukas ng bank account o makatanggap ng pera dahil wala pa sa tamang edad).

Ang pagdeklara ng anak bilang dependent ay walang epekto sa income tax, pero maaring mabawasan ang ating residence tax.

B. 16-29 taong gulang

Kailangang dokumento:

  • Birth certificate ng anak
  • Remittance statement ng padala sa pangalan ng anak

Ang anak na hindi nagtatrabaho ay maaring ideklara na dependent. Kailangang magpasa ng birth certificate ng anak para patunayan ang relasyon natin dito.

Kailangang magpasa ng remittance statement na nasa pangalan ng anak para patunayan na nagpapadala tayo dito. Kagaya ng sa asawa, hindi nakasaad sa gabay ng Tax Office kung ilang beses o kung magkano ang kabuong halanga na kailangang ipadala sa loob ng isang taon.

C. 30-69 taong gulang

Ang 30-69 taong gulang na anak ay kailangang napapadalhan ng hindi bababa sa ¥380,000 bawat taon para mai-declare na dependent.

Kailangang dokumento:

  • Birth certificate ng anak
  • Remittance statement ng padala sa pangalan ng anak (¥380,000/1 taon)

Kung mas mababa sa ¥380,000/1 taon ang padala sa anak na 30 hanggang 69 taong gulang ay maaring ideklara ito na dependent kung isa o mas marami pa sa mga sumusunod na sitwasyon ang angkop:

  • Ito ay nag-aaral (kailangang magpasa ng ebidensya ng student status mula sa institusyon ng edukasyon kung saan ito nag-aaral, at remittance statement).
  • Ito ay may kapansanan (kailangang magpasa ng medical document na nagpapatunay na may kapansansan ito na dahilan kung bakit hindi niya masuportahan ang sarili, at remittance statement).

Tatay o Nanay

A. 69 taong gulang pababa

Ang tatay o nanay na sana edad na 69 taong gulang pabab ay kailangang napapadalhan ng hindi bababa sa ¥380,000 bawat taon para mai-declare na dependent.

Kailangang dokumento:

  • Birth certificate ng sarili
  • Remittance statement ng padala sa pangalan ng magulang (¥380,000/1 taon)

Kung parehong dependent ang tatay at nanay na nasa edad na 69 taong gulang pabab ay kailangang napapadalhan ng ¥380,000/1 taon bawat isa sa kanila.

Kung mas mababa sa ¥380,000/1 taon ang padala sa tatay o nanay na nasa edad na 69 taong gulang pababa ay maaring ideklara ito na dependent kung ito ay may kapansanan. Kailangang magpasa ng:

  • Medical document na nagpapatunay na may kapansansan ito na dahilan kung bakit hindi niya masuportahan ang sarili
  • Remittance statement

B. 70 taong gulang pataas

Kailangang dokumento:

  • Birth certificate ng sarili
  • Remittance statement ng padala sa pangalan ng magulang

Kailangang magpasa ng remittance statement na nasa pangalan dependent para patunayan na nagpapadala tayo dito. Kagaya ng sa asawa, hindi nakasaad sa gabay ng Tax Office kung ilang beses o kung magkano ang kabuong halanga na kailangang ipadala sa loob ng isang taon.

Kapatid

Kung ang dependent ay kapatid, kailangang magpasa ng birth certificate ng sarili at ng kapatid para patunayan ang relasyon.

A. 0-15 taong gulang

Kailangang dokumento:

  • Birth certificate ng sarili at ng kapatid
  • Remittance sa pangalan ng magulang na nag-aalaga ng kapatid

B. 16-29 taong gulang

Kailangang dokumento:

  • Birth certificate ng sarili at ng kapatid
  • Remittance statement ng padala sa pangalan ng kapatid

Kailangang magpasa ng remittance statement na nasa pangalan dependent para patunayan na nagpapadala tayo dito. Kagaya ng sa asawa, hindi nakasaad sa gabay ng Tax Office kung ilang beses o kung magkano ang kabuong halanga na kailangang ipadala sa loob ng isang taon.

C. 30-69 taong gulang

Ang 30-69 taong gulang na kapatid ay kailangang napapadalhan ng hindi bababa sa ¥380,000 bawat taon para maideklara na dependent.

Kailangang dokumento:

  • Birth certificate ng sarili at ng kapatid
  • Remittance statement ng padala sa pangalan ng kapatid (¥380,000/1 taon bawat isa)

Kung mas mababa sa ¥380,000/1 taon ang padala sa kapatid na nasa edad na 30-69 taong gulang ay maaring ideklara ito na dependent kung ito ay may kapansanan. Kailangang magpasa ng:

  • Medical document na nagpapatunay na may kapansansan ito na dahilan kung bakit hindi niya masuportahan ang sarili
  • Remittance statement

Lolo o Lola

A. 69 taong gulang pababa

Ang lolo o lola na sana edad na 69 taong gulang pababa ay kailangang napapadalhan ng hindi bababa sa ¥380,000 bawat taon para mai-declare na dependent.

Kailangang dokumento:

  • Birth certificate ng sarili
  • Birth certificate ng magulang na anak ng lolo o lola
  • Remittance statement ng padala sa pangalan ng lolo o lola (¥380,000/1 taon)

Kung parehong dependent ang lolo at at lola na nasa edad na 69 taong gulang pababa ay kailangang napapadalhan ng ¥380,000/1 taon bawat isa sa kanila.

Kung mas mababa sa ¥380,000/1 taon ang padala sa lolo o lola na nasa edad na 69 taong gulang pababa ay maaring ideklara ito na dependent kung ito ay may kapansanan. Kailangang magpasa ng:

  • Medical document na nagpapatunay na may kapansansan ito na dahilan kung bakit hindi niya masuportahan ang sarili
  • Remittance statement

B. 70 taong gulang pataas

Kailangang dokumento:

  • Birth certificate ng sarili
  • Birth certificate ng magulang na anak ng lolo o lola
  • Remittance statement ng padala sa pangalan ng lolo o lola

Kailangang magpasa ng remittance statement na nasa pangalan dependent para patunayan na nagpapadala tayo dito. Kagaya ng sa asawa, hindi nakasaad sa gabay ng Tax Office kung ilang beses o kung magkano ang kabuong halanga na kailangang ipadala sa loob ng isang taon.

Tungkol sa remittance statement

Bukod lang sa 0 hanggang 15 taong gulang na dependent, kailangang may maipasang remittance statement na nagpapatunay na pinapadalhan ng pera ang bawat isang dependent.


Sample ng remittance statement

Halimbawa, kung ang dineklarang dependent ay ang nanay at tatay, kailangang may remittance sa pangalan ng bawat isa sa kanila, hindi lang sa tatay o sa nanay. Bukod dito, kung pareho silang 30 hanggang 69 taong gulang, kailangang may remittance na hindi bababa sa ¥380,000 sa loob ng isang taon sa bawat isa sa kanila.

Kung ang dineklarang dependent ay asawa at dalawang anak na 10 at 17 taong gulang, kailangang may remittance sa pangalan ng asawa at sa pangalan ng anak na 17 taong gulang.

Hindi kailangang may remittance sa pangalan ng 10 taong gulang na anak (ayon sa tuntunin sa itaas).

Tungkol sa birth certificate at marriage certificate

Hangga’t maari ay magpasa ng original na dokumento. Kung hindi naman ay piktyuran nang maayos ang dokumento bago ito ipadala sa email (hindi sa kagaya ng FB messenger dahil bumababa ang kalidad ng picture).

  • Piktyuran sa isang maliwanag na lugar para mataas ang kalidad na larawan.
  • Piktyuran mula sa eksaktong itaas ng dokumento para tuwid ito.

Paalala: may mga lugar na original na dokumento lang ang tinatanggap at Japanese translation kaya mainam na ihanda ito kung kailangan.

Ano ang tinatawag na ‘Tax Refund’?

Sa unang pagpasok sa kumpanya o kaya sa simula ng taon, karamihan ay kailangang magdeklara ng dependent para sa tamang pagsingil ng kumpanya ng income tax at iba’t-ibang buwis.

Kung hindi sigurado sa mga maaring gawing dependent o kaya ay hindi sigurado kung mapapadalhan natin ito nang sapat para ideklara silang dependent ay maaring hindi muna gawin ang pagdeklara ng dependent at gawin na lang sa katapusan ng taon, doon sa tinatawag nilang “Year-end Adjustment” (年末調整 nenmatsu chōsei).

Halimbawa, kung tinatanggalan ka ng kumpanya ng income tax base sa wala kang dineklarang dependent, at sa katapusan ng taon ay may maipakita kang remittance statement na pinapadalhan mo ang nanay at tatay mong parehong mahigit sa 70 taong gulang na, ibabalik sa iyo ng Tax Office ang sobrang siningil na income tax.

Ang kabaliktaran nito ay maari namang singilin ka ng karagdagang buwis kung hindi mo mapatunayan na ang dineklara mong dependent ay napapadalhan mo nang tama.

Halimbawa, kung sa simula ng taon ay dineklara mong dependent ang nanay mong 45 taong gulang, at sa katapusan ng taon ay wala kang maipakitang remittance statement na pinadalhan mo ito ng hindi bababa sa ¥380,000 sa buong taon, sisingilin ka naman ng Tax Office ng kakulangang income tax.

Konklusyon

Kung asawa at anak na hanggang 15 taong gulang lang ang mga dependent ay hindi masyadong kumplikado. Kailangan lang magpasa ng marriage certificate at birth certificate ng mga anak at remittance sa pangalan ng asawa.

Kung ang dependent (anak o kapatid) ay 16 hanggang 29 taong gulang ay kailangang may remittance statement na nasa kanyang pangalan.

Ang dependent na 30 hanggang 69 taong gulang ang may pinakaestriktong requirement: kailangang may maipakitang remittance sa kanya na hindi bababa sa ¥380,000 sa isang taon. Maari lang mawala ang requirement na ito kung ang dependent ay full-time na nag-aaral, o kaya ay may kapansanan.

Kung ang dependent naman ay 70 taong gulang pataas ay kailangan ng remittance sa kanilang pangalan.