Love in the Time of Cholera by Gabriel Garcia Marquez


Love in the Time of Cholera by Gabriel Garcia Marquez (Everyman’s Library hardcover)

May nabili akong dalawang libro ni Kazuo Ishiguro, at nasimulan ko nang basahin ang unang chapter ng isa nang bigla kong naisip “hindi mo pa nga natatapos yung binabasa mong libro, nagbabasa ka na naman ng iba.”

Kaya isang gabi ay tinapos ko na ang mga natitirang chapters ang librong ito ni Garcia Marquez. Ngayon ay maari ko nang tanggalin ito sa listahan ko ng mga librong hindi matapos-tapos basahin.

Hindi naman sa hindi maganda ang kuwento o hindi maganda ang pagkakakuwento; maraming distractions na nangyayari kaya hindi makapag-concentrate sa pagbabasa.

Kung sasabihin sa tatlong salita ang tema ng nobelang ito, palagay ko ay ganito: “Love conquers all.”

Siyempre lahat ng kuwento ay variations lang ng ilang universal na tema; nasa galing na lang ng awtor kung paano niya ikukuwento sa ilang daang pages ang temang ito. At palagay ko ay maganda ang sulat ni Garcia Marquez.

Kaya nga naisip ko na para sa isang magaling na nobela na kagaya nito ay hindi tama ang ginawa kong pagbabasa na paputol-putol at walang nakatakdang oras. Kailangan dito ay regular na pagbabasa, para ma-appreciate nang mabuti ang gawa ng awtor.


Love in the Time of Cholera by Gabriel Garcia Marquez (Everyman’s Library hardcover)

Tungkol naman sa particular na physical na librong ito, maganda ang hardcover editions ng Everyman’s Library–maganda ang text ng nobela, maganda ang papel at design, at magandang tignan na nakahelera sa bookshelf ang mga libro.

Napansin ko na parang hindi regular ang pricing ng hardcover versions ng Everyman’s Library: minsan may mahal, at minsan, kagaya litong Love in the Time of Cholera, halos kasing presyo lang ng ibang paperback versions.