The Buried Giant by Kazuo Ishiguro

Hindi yata ito ang tamang introduction sa mga libro ni Kazuo Ishiguro, pero dahil ito ang una kong nadampot sa dalawang libro na nabili ko (yung isa ay ang The Remains of the Day) kailan lang, at hindi ko na nabitawan dahil sa mukhang interesting ang kuwento, tinapos ko na hanggang sa huli.

The novel follows an elderly Briton couple, Axl and Beatrice, living in a fictional post-Arthurian England in which no-one is able to retain long-term memories. After dimly recalling that they might years earlier have had a son, the couple decide to travel to a neighbouring village to seek him out.

Nung una akala ko ay Japanese itong si Ishiguro, hanggang nalaman ko na mas British siya kaysa Hapon (nag-immigrate ang pamilya niya sa UK mula sa Nagasaki noong 5 years old pa lang siya at hindi siya bumalik sa Japan hanggang pagkatapos lumipas ang 30 taon).

So far hindi masyadong maganda ang experience ko sa pagbabasa ng Japanese novels na isinalin sa English mula sa original na Japanese (mga libro ni Murakami), hindi kagaya ng translated sa original na Spanish (One Hundred Years of Solitude, Don Quixote) o ibang linguahe (mga libro ni Tolstoy kunyari).

Ang ang Buried Giant ay nasa original na English kaya nababasa mo ang eksaktong isinulat ng writer.

Okay naman ang libro, although kagaya nga ng nasabi ko na, mukhang may mas magaling pang gawa si Ishiguro kaysa sa librong ito. Pero dahil sa mahilig ako sa topic ng medieval ages–The Seventh Seal (movie), Berserk (manga)–nasundan ko ang kuwento kaya natapos ko hanggang sa dulo.

Ngayon kailangan ko sigurong basahin ang kasama nitong The Remains of the Day, na mukhang isa sa pinakamagaling na gawa ng awtor na ito.