Ngayong umaga ay maaraw at hindi masyadong malamig, tamang-tama sa osampo.
Tapos nang anihin ang mga repolyo sa gulayan sa malapit sa amin, ito yung mga naiwan. Gusto ko sanang kumuha ng isang ulo ng repolyo, kahit may sira.
May amateur painting exhibit sa Doho Koen, ito ang gusto kong painting, “Ulan” ni Fumie Yamaoka.
Flower cabbage, ginkgo leaves, pansy plant.
Parang masarap gawing salad itong flower cabbage, mapait daw pero edible. Mahirap isipin na buhay pa ang mga dinosaur nang unang tumubo ang mga puno ng ginkgo, mga 290,000,000 taon na ang nakakaraan, at hanggang ngayon ay buhay pa sila at nagpapaganda sa mga park kapag tag-lagas.
Isang malaking puno ng camphor, parang sa Tonari no Totoro.
Yellow and green.