Lumabas ako nang maaga kanina at natuwa ako dahil maganda ang araw at may nakita akong bulaklak ng ume (plum blossom).
Spring na! (pero malamig pa rin!)
Lumabas ako nang maaga kanina at natuwa ako dahil maganda ang araw at may nakita akong bulaklak ng ume (plum blossom).
Spring na! (pero malamig pa rin!)
Spring na ba? parange medyo malamig parin hehe.
Sabi ng mga plum blossoms spring na daw, at mahirap namang makipagtalo sa mga ito na mas mahaba ang experience sa atin.
Haiku ni Hattori Ransetsu sa aking haiku book:
one plum blossom
a single blossom’s worth
of warmth梅一輪 一輪ほどの 暖かさ
Habang bumubuka ang mga bulaklak ng ume, pinapainit nila ang paligid dahil sa kanilang tinatagong init.
Kaya bumubuka ang ume ay dahil sa init ng spring. Pero sa haiku na ito, parang ang ume ang nagdudulot ng spring dahil sa kanilang tinatagong init. O pareho.
habang naglalakad, may ganito sa daan, kung gusto mong bumili sa apple store pero wala kang credit card. nakasulat sa labas: lahat ng apple, dito sa isang card.
instinctively pinulot ko at mukhang may laman sa loob pero hindi ko alam dahil hindi pa ako nakagamit nito. binaba ko ulit kung saan ko nakita.
madami akong nakikitang gamit na nahulog sa daan (sapatos, gloves, laruan, iphone) at hindi pinapakialaman ng mga nakakakita dahil:
ganda ng spring day ngayong linggo, kaya lakad na naman sa paligid.
itong late-blooming na sakura sa bakuran ng isang bahay. okay sigurong may sakura sa sariling bahay, lalo na kung spring.
ito namang isa pang-blooming sakura na nakita namin sa may park. ang mga bulaklak na maraming petals ay nakaharap sa ibaba (sobrang bigat?) kaya kailangang nakaharap sa itaas ang pagkuha ng picture.
nagtapon ako ng basura kaninang umaga. ready for planting na naman ang mga sakahan dito sa amin, kulang na lang tubig
lubog na naman sa tubig ang mga palayan dito sa amin, kaya maingay na naman ang mga palaka sa gabi
umaga, tapon ng basura, kuha ng picture ng mga ibon (tagak) sa palayan
morning walk bicycle sa paligid at meron nitong green pheasant na pakad-lakad din