Ito ang unang libro na kailangang basahin para sa SSW2 test para Manufacturing Sector. Basahin muna ito bago ang Production Management Planning o Production Management Operation.
Rebyuhin ko para sa may nagbabalak na kumuha ng test.
Tungkol sa Nihongo: ang libro ay ginawa (palagay ko) para sa mga Hapon na naggradweyt ng high school. Kailangan ng kaalaman ng Joyo Kanji para basahin ang libro na ito, at JLPT N2. Baka maari ang N3, pero kailangan pa rin ng kahit na 1,000 na kanji para maintindihan.
Hindi ganoon kataas ang level ng grammar na kailangan. Sa palagay ko ay ang isang risonableng high school graduate na Hapon ay kayang basahin ito at maintindihan sa isang weekend.
A5 ang size (kalahati ng A4 na papel) at malalaki ang mga letra. Ang mga importanteng vocabulary at nakasulat sa green na kulay.
232 pages pero ang importateng laman ay mga 150 pages lang. Bale mga 30 pages per chapter.
May 5 chapters:
- Quality Management 品質管理 ひんしつかんり
- Cost Management 原価管理 げんかかんり
- Delivery Management 納期管理 のうきかんり
- Safety & Health Management 安全衛生管理 あんぜんえいせいかんり
- Environment Management 環境管理 かんきょうかんり
Rerebyuhin ko ang bawat chapter sa mga susunod na araw.