Hello. This is my first post in Timog, yoroshiku onegaishimas.
Gusto ko sanang maghingi ng payo, advice kung paano ang maging bilingual ang aming anak sa japan. O mag-focus na lang sa Japanese?
We’re planning to stay longterm at ngayon pa lang napapag-isipan ko na kung paano ang mangyayari sa language ability ng mga bata sa future.
Tayong mga Pilipino ay natural na bi- o trilingual pa nga. Problema lang is I grew up in Manila at English/Tagalog lang ang alam ko. Baka mari kayong magshare ng experience tungkol dito lalo na ang matatagal sa Japan. Onegaishimas!
Actually this is a good topic for discussion because it’s always good to start early if you plan on raising children who will be able to speak Japanese and Tagalog/English.
Personally, if up to me I will always go the route of bilingualism. Of course, it’s always good to know one more language. In a practical sense, kung marunong ng Tagalog/English ang anak mo, hindi siya mawawalan ng connection sa relatives mo sa Pilipinas.
Nga pala, I’m assuming you’re a woman, partner mo ba ay Japanese, foreigner or fellow Filipino?
My partner is Japanese. I have N2 kaya I can speak conversational Japanese.
Napapagsipan ko ang issue ng language kasi may mga na-meet akong ibang Pilipina na pure Japanese ang kanilang mga anak. Although Japanese kami mag-usap ng asawa ko, gusto ko sana na marunong ng Tagalog o English ang anak namin. Thanks for your input
Napaka-natural sa ating mga Pinoy ang pagiging bilingual hindi na natin pinag-iisapan ito pero tama ka, kung sa Japan ka magpapalaki ng anak, kailangan ng plano.
In my case, pareho kaming Pilipino ni misis at marunong mag Nihongo, kaya doon nagsimula ang problema namin. Nung nagkaroon kami ng anak, inisip namin na para hindi siya magkaroon ng problema sa school, kailangan namin siyang kausapin in Nihongo sa simula pa lang. Nalaman namin later on that this was a bad plan.
Nung alam namin na okay na ang Nihongo niya, sinimulan namin siyang kausapin sa English pero ayaw na niyang magsalita ng English. Dominant language ang Nihongo at alam niyang pwede niya kaming kausapin sa Nihongo kaya kahit na kausapin namin siya ng English, Nihongo pa rin siya sasagot.
In my experience, mas walang alam sa Nihongo ang mga parents, mas malaki ang chance na magiging bilingual ang mga anak dahil kakausapin ng parents ang mga anak nila in their native language sa simula pa lang. Tapos ang Nihongo ay mapi-pickup ng mga bata sa school at sa kanilang mga kaibigan.
Mas kumplikado kung ang parents ay Filipino/Japanese. Kung kakausapin mo ang anak mo in Tagalog or English, baka hindi maintindihan ng asawa mo at baka ayaw niya, magkakaroon kayo ng problema.
Again, sa aking experience, unless na i-insist mo na kausapin exclusively sa Tagalog/English ang anak mo, mapupunta siya sa Nihongo dahil sa school, mga kaibigan, at tatay. Lalo na kung Nihongo ang gamit ninyo ng asawa mo sa communication.
Salamat sa welcome reon-san!
Marunong kaunti ng English asawa ko kaya kung English lang siguro ang option at hindi na Tagalog. However, mas madali para sa amin ang conversation in Japanese ito sa magiging problema.
Nagsalita ba eventually ng English ang anak ninyo?
Hi sunshine! experience ko lang sa mga kilala kong Pilipinang may asawa ng Hapon, karamihan ng mg aanak nila ay hindi bilingual, yung iba nakakaintindi ng konting tagalog o english pero hindi completely bilingual. Nihongo kasi ang salita sa bahay.
In your case, need mo ng extra effort kung gusto mong maging bilingual ang anak mo. Panoorin ng English cartoons, sumali sa mga clubs o gatherings na ginagamit ang English, pumunta palagi sa church na marami ang foreigners, etc etc. Kung alam ng anak mo na nakakaintindi ka ng Nihongo, hindi siya magsasalita ng iba pang salita Nihongo lang.
@ryu grabe ang tagal na nyang thread na yan pero relevant pa rin
base sa research ko, tama ang observation ni summer, malelate ng konti ang language acquisition ng mga bi o multilingual na bata pero nakaka catchup din sila.
ang haba ng old topic na yan, ano na kayang nangyari sa mga baby ng mga posters?
Having raised kids sa Japan myself, I can tell you na kailangan talagang magbigay ng “conscious” effort kung gusto nating maging bilingual ang ating mga kiddies.
Sadly, although pareho kaming Pinoy ng asawa ko, hindi natututong mag-Tagalog ang mga anak namin. Marunong silang mag-English only because napagkasunduan naming if kakausapin namin yung mga bata, it should be in English. Also, we enrolled them in some English classes.
So sa bahay as much as possible English. Pero since dito sila lumaki, mas comfortable silang magsalita in Japanese. Isa sa mga regrets ko is not teaching them Tagalog.
Looking back, I could have done more to expose them to Pinoy culture and language. Going to church or going to Pinoy gatherings more would have helped.
So my suggestions: actively talk to your children in the language you want them to learn, be part of a community/group to encourage interaction with other Filipinos and, if available, let them join language classes.